Sabado, Oktubre 12, 2013

IMPLASYON

Implasyon (Presyo)
     By: Jason Revil

Ano ang nararamdaman mo kapag nakarinig ka ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin? Tataas din kaya ang matatangap mong sweldo?

Ang pagtaas ng halaga ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na Implasyon. Ang Implasyon ay ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon.


Pagsukat ng Rate ng Implasyon

Ano nga ba ang ugnayan ng rate ng implasyon sa daloy ng ating ekonomiya?

• Isa sa mga price index ng karaniwang ginagamit sa pagtustos ng real GNP ay ang consumer price index (CPI). Ang CPI ay siyang sumusukat sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Rate ng Implasyon = CPI(2)-CPI(1)    X 100
                                CPI(1)

Ang bawat unit ng salapi ay makakabili ng mas kaunting mga kalakal gaya ng produkto at mga serbisyo.

Ang CPI (2) ay ang bagong Consumer Price Index at 
Ang CPI (1) ay ang dating Consumere Price Index

Halimbawa:

CPI(2) = 2007 - 141.8
CPI(1) = 2006 - 137.9

Rate ng Implasyon = 141.8 – 137.8   X 100
                                     137.9
                            
                            = 2.8

*Ang rate ng implasyon ng 2006-2007 ay 2.8.

Isa ring repleksiyon ng pagguho ng kakayahang pag bili ng pera ng isang kawalan ng real sa halaga sa panloob ng kasangkapan ng pagpapalit at unit ng kahalagahan sa ekonomiya.

Paraan ng Pagpigil sa Implasyon

Mahirap bang pigilan ang tumataas na halaga ng bilihin?

Deplasyon o pagbaba ng halaga ng bilihin kapag nakalilikha ng higit na maraming produksyon at serbisyo kaysa demand.
Kaya upang mapigilan ang implasyon, kailangang dagdagan ang buwis na nililikom ng pamahalaan upang makalikha ng malaking produksyon na kailangan ng bansa.

Ang Implasyon ay salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na naging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento